Balangkas na Estratehiya para Mabawasan ang Lead Exposure at Di Pagkakapantay-pantay sa Mga Komunidad sa Estados Unidos
Noong October 28, 2021, nagpalabas ang EPA ng balangkas na Strategy to Reduce Lead Exposures and Disparities in U.S. Communities (Lead Strategy) upang makapagbigay ng komento ang publiko. Hangad ng ahensya ang input mula sa mga komunidad na naaapektuhan ng kontaminasyon ng lead sa pamamagitan ng virtual at personal na mga workshop sa buong bansa.
Ang Lead Strategy ng EPA ay gagamit ng kumpletong pangkat ng mga awtoridad, dalubhasaan, at mga resource para mabawasa ang lead exposure. Ito ay nagbabalangkas sa tatlong mahahalagang paraan na maaaring mabawasan ng agency ang lead exposure sa lubos nang nabibigatang mga komunidad.
UPDATE: Na-update ng EPA ang balangkas na Lead Strategy (Estratehiya sa Lead) upang maisama ang mga karagdagang pagkilos upang matugunan ang lead sa tubig sanhi ng pinakahuling nilagdaan na Bipartisan Infrastructure Law. Ang batas na ito ay nagbibigay ng makasaysayang pamumuhunan para palitan ang mga tubo na may lead at makapagkaloob ng mga dagdag na pondo upang masuri ang tubig sa mga paaralan at childcare na programa.
Na-extend ng EPA ang takdang panahon para sa pagbibigay ng komento ng publiko hanggang Marso 16, 2022.
Basahin ang kumpletong estratehiya dito.
- Balangkas: EPA Strategy to Reduce Lead Exposures and Disparities in U.S. Communities (pdf) (Sa ingles) (Oktubre 28, 2021).
- Ang mga komento ay maaaring isumite sa docket sa Regulations.gov.
- FACT SHEET: Balangkas na Estratehiya ng EPA para Mabawasan ang Lead Exposures at Disparities sa Mga Komunidad sa Estados Unidos--Nobyembre 2021 (pdf)
- Bipartisan Infrastructure Law: Environmental Protection Agency--2022 State Revolving Fund (SRF) Mga Tinatantiyang Pagtatalaga sa Mga Estado, Tribes, at Mga Teritoryo para (pdf)
Sa pahinang ito:
- Mga Layunin at Pangunahing Kilos
- Pamamaraan ng EPA at Takdang Panahon para sa Pagbibigay ng Komento ng Publiko
- Pakikipag-ugnayan sa Publiko
Mga Pamamaraan at Pangunahing Kilos ng Estratehiya
Ang Lead Strategy ng EPA ay:
Magbabawas sa lead exposure sa lugar nila mismo (lokal) na naka-focus sa mga komunidad na may pagkakaiba at itaguyod ang environmental justice
- Makikipagtrabaho ang EPA sa aming mga kapartner para makilala ang mga komunidad kung saan ang lead exposure at blood lead na level ay kilala o pinaghihinalaang pinakamataas at tapos ay titiyakin ang pangunahing pinagmumulan nito at pinagsama-samang pamamaraan ng pagkakalantad dito. Lumaon ay gagamitin ng EPA ang kaalaman na ito at mga pamamalakad na batay sa katibayan para pagtuunan ng pansin ang mga kilos ng Agency sa pamamagitan ng lahat ng mga naaangkop na awtoridad para mabawasan ang panganib.
Basahin ang mga lead exposure sa bansa gamit ang mga nagbibigay proteksyon na standard, mga analytical tool, at pakikipag-ugnayan.
- Iiwasan at babawasan ng EPA ang mga lead exposure sa pamamagitan ng pagde-develop at pagpapatupad ng mga pambansang standard, patakaran, at gabay; pagpapatupad sa mga regulasyon at mga itinakdang requirement; gamit ang mga analytical tool, pagsasagawa ng mga pananaliksik, at paggamit sa mga katibayan para mapahusay ang mga scientific na pundasyon para sa mga paraan upang mabawasan at mabawasan ang lead exposure; at pag-solicit ng input mula sa stakeholder para makapagbigay impormasyon sa Agency.
Bawasan ang mga lead exposure gamit ang “kabuuan ng EPA” at “kabuuan ng pamahalaan” na pamamaraan
- Ita-target ng EPA ang mga oportunidad para magtulong-tulungan ang iba’t ibang mga programa ng EPA at kasama ang mga pederal na kapartner at iba pang mga stakeholder ng gobyerno, kasama na ang mga estado, tribe, lungsod, at county, at pati na rin ang mga organisasyon na di gobyerno at mga stakeholder sa industriya, para makapag-focus sa kumpletong range ng mga resource para mabawasan ang mga exposure sa lead mula sa lahat ng mga source sa pinakamalakas na naaapektuhang komunidad sa bansa. Gagamitin ng Agency ang mga estratehiya na batay sa katibayan para sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan na nilikha upang mabawasan ang mga exposure na ito.
Pamamaraan ng EPA at Takdang Panahon para sa Pagbibigay ng Komento ng Publiko
Gagamitin ng EPA ang feedback na natanggap sa panahon ng pagbibigay ng publiko ng komento para matiyak kung kailangang isama ang mga karagdagang pagbabago sa Lead Strategy bago ito gawing pinal.
- Tatanggap ang EPA ng komento mula sa publiko ng 90 araw.
- Ang mga komento ay maisusumite sa docket sa Regulations.gov. (Sa wikang Ingles)
- Gamitin ang Docket Number: EPA-HQ-OLEM-2021-0762
- Ang mga komento sa ibang wika maliban sa Ingles ay maaaring isumite sa: docket_oms@epa.gov (gamitin ang Docket Number: EPA-HQ-OLEM-2021-0762)
- Para sa karagdagang impormasyon o kung kailangan o ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan kay Trish Taylor @ 202-674-2053 o taylor.trish@epa.gov.
Mga Oportunidad para Makipag-ugnayan sa Komunidad
Hangad ng ahensya ang input mula sa mga komunidad na naaapektuhan ng kontaminasyon ng lead sa pamamagitan ng virtual at personal na mga workshop sa buong bansa. Manatiling may balita sa pahinang ito para sa mga karagdagang detalye.